Philippine Gaming and Amusement Corporation (PAGCOR), paiigtingin ang responsableng paglalaro sa paglunsad ng inisyatibo para sa edukasyong pansugal

Philippine Gaming and Amusement Corporation

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)  ang isang panibagong balangkas ng edukasyon para sa mga mananaya, manlalaro, at tagapangasiwa at operator ng mga plataporma para sa online na sugal upang sawatain ang mga panganib na bunsod mula sa teknolohiyang pinahihintulutan ang paglaganap ng mga iligal na operator at website na nagdudulot ng presyon para sa mga lehitimong negosyo sa larangan ng iGaming.

Ang inisyatibo, ayon sa PAGCOR Vice President para sa Human Resources at Development na si Angelo Domingo, ay nakatuon sa tatlong pangunahing bahagi. Ito ay ang edukasyon para sa manlalaro, pagsasanay para sa mga operator, at programa para sa pakikipag-ugnayan sa pangkalahatang publiko.

Inilunsad ang insiyatibo upang kontrahin ang pagkalat ng mga di-lisensyadong mga plataporma na sinasamantala ang teknolohiya upang iwasan ang pangangasiwa mula sa mga ahensya at kinatawan ng gobyerno katulad ng PAGCOR. Dahil sa napakabilis na pag-unlad ng mobile gaming na nagdudulot ng napakatinding demanda sa buong bansa mula Aparri hanggang Jolo, mas tumitindi ang mga tawag para sa mas malalimang pagsisiyasat sa epektong dinudulot nito, kabilang ang adiksyon na maaaring mauwi sa kawalan ng milyun-milyong Pilipino.

Related: What is GWA? Unraveling its Academic Significance and Decoding What GWA Means for Student Success


Teknolohiya, elementong kriminal, at epekto sa lipunan: Isang perpektong bagyo?

Ani Domingo, “Merong tatlong pwersa — ang teknolohiya bilang pangunahing kasangkapan, ang elementong kriminal bilang motibo, at ang epekto sa lipunan kabilang ang galit ng publiko — na siyang nagdudulot ng perpektong bagyo na nagbabanta sa integridad ng pangkalahatang industriya ng ligal na gaming,” sa pagpapasinaya ng Asia-Pacific Regulators’ Forum noong nakalipas na ika-11 ng Setyembre. Ayon sa PAGCOR, ang bagong balangkas para sa edukasyon ay isinusulong ang mas malawakang koordinasyon sa pagitan ng mga kinatawan at ahensya sa industriya ng pananalapi at ng sugal, kabilang ang mga lisensyadong operator (kagaya ng Ivibet Sportsbook Online), mga alagad ng batas, organisasyong di-pampamahalaan, at mga lokal na pamayanan at komunidad.

Mga lisensyadong operator

Ang aksyon ng PAGCOR ay sinasalungguhitan ang pataas na pataas na presyon sa industriya ng regulated gaming sa Pilipinas, na kinakalaban ang mga offshore na karibal nito sa mga bansang kagaya ng Thailand, at ang mga di-lisensyadong operator na sinusubukang sawatain ng pambansang ahensya na nangangasiwa sa ligal na pagpapatakbo ng sugal sa Pilipinas. 

Mahigit sa 70 na lisensayond online gaming na plataporma ang kasalukuyang tumatakbo sa bansa, katulad ng BingoPlus, ArenaPlus, OKBet, at ng Ivibet Sportsbook Online. Ngunit ang mga panawagan upang ipagbawal ang online na pagsusugal ay lumalakas sa mga nakalipas na buwan, sa pagbulusok ng mga ulat ng kawalang pinansyal at sa dami ng bilang ng mga Pilipino na naapektuhan ng adiksyon sa pagsusugal buhat ng kakulangan sa edukasyon. Para labanan ito, sinimulan ng PAGCOR ang pagpapatupad ng pagpapaliban sa pag-isyu ng mga bagong lisensya para sa mga bagong online gaming site ng mahigit na sa isang taon.

Dagdag pa ni Domingo, ang edukasyong para sa mga manlalaro ay dapat nakasentro sa responsableng paglalaro at ang kaalaman ukol sa mga panganib sa pananalapi at pag-iisip na dulot ng pagsusugal, samantalang ang pagsasanay para sa mga nagpapatakbo ng mga naturang plataporma ay dapat nakasentro sa mandatoryong sertipikasyon upang tiyakin ang kakayanan ng mga trabahador sa larangan na kilalanin, tukuyin, at rumesponde sa mga senyales ng adiksyon.

Ani Domingo, “Maraming tao ang hindi alam ang mga implikasyong pinansyal na pinapasukan nila tuwing sila ay nagsusugal. Natutuklasan lang nila ang epekto ng kanilang mga gawain kapag huli na ang lahat.” Bilang pangwakas, ani Domingo, “Nasa mas mabuti sana silang kalagayan kung sila ay naturuan sa simula pa lamang.”

Similar Posts